Monday, August 23, 2010

Sa kabila ng maling ginawa mo Senior Inspector Mendoza....

Haysss I know hindi tama yung ginawa ni Senior Inspector Rolando Mendoza sa panghohostage niya ng 15 turista at 3 Pinoy dahil sa gusto niyang mapagbigyan siya ng Ombudsman na maibalik siya sa kanyang serbisyo bilang pulis. Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali. Pero bakit ganon? Matapos kong mapanood yung ama ni Insp. Mendoza sa tv, naawa pa rin ako sa kanya at sa pamilya niya. Nanlumo ako sa kinahantungan ng 36 years niya sa serbisyo. So sad na napunta lang lahat sa madugong katapusan. Napunta lahat sa wala. Namatay siya kasabay ng pagkamatay ng kanyang mga pangarap. Maraming nagagalit, naiinis at naghihirap dahil sa ginawa niyang paghohostage, pero hindi ba natin naiisip yung nararamdaman niya nung ginagawa niya yun. Hindi ba natin naisip yung bigat ng kalooban niya dahil sa problemang kinakaharap niya. Siguro hindi na talaga niya kaya at desperado na talaga siya kaya siya napilitang gumawa ng masama. Nakakaawa lang dahil hindi lang mga pangarap niya ang nawala, hindi  lang buhay niya, nawalan ng asawa, ama, kapatid at anak ang mga naiwan niyang mahal sa buhay.
Sabi nga nila, magiting na pulis si Insp. Mendoza, siguro nga totoo, sa katunayan naging isa siya sa Top 10 Most Oustanding Police sa Pinas, pero hindi ibig sabihin nun hindi na siya magkakamali. Tao lang din siya. Nadadala ng galit at nagkakasala.

Sa ngayon, ipagdasal na lang natin ang kaluluwa ni Senior Inspector Rolando Mendoza. Nawa'y maging mapayapa siya at maging masaya sa piling ng ating Ama. Hayaan na nating ang Diyos ang maghatol sa kanya. Ipagdasal din natin ang lahat ng mga naging biktima ng hostage taking. Isama na rin natin ang kondisyon at tingin sa ating Inang Bayan matapos ang pangyayaring ito...

Hope God will guide all of us...

No comments: